^

PSN Showbiz

Breadwinner…, Kingdom, Espantaho, Uninvited ‘di natitinag!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Breadwinner…, Kingdom, Espantaho, Uninvited ‘di natitinag!
Kingdom
STAR/ File

Expected na bumaba ang sales ng mga sine sa 50th Metro Manila Film Festival on its second day kasi regular working day ito hanggang kahapon.

Pero halos ganu’n pa rin naman ang estado ng mga pelikula at ‘di natitinag ang ranking mula sa sinehan – And The Breadwinner Is…, The Kingdom, Espantaho, Uninvited at Green Bones.

Ang tanong, paano kaya makakaapekto ang awards kagabi sa gross sales ng mga pelikula this weekend? ‘Yan ang aabangan natin!

Himala, yayamanin ang market

Naglabas ng saloobin ang producer ng Isang Himala na si Madonna Tarrayo at nagsabing, “Rockwell has been asking for Isang Himala for 2 days already, hindi binibigay. ‘Yan ang market namin, at SM Aura.”

Talaga ba? Sana nanalo ng award ang Isang Himala katulad ng naunang pelikula rito – at nang makabawi sa box office at madagdagan pa ng mga sinehan.

Mga film critic, mema lang?!

Grabe naman ang ibang nagpapanggap na legit reviewer, talagang rave-kete-rave sa And The Breadwinner Is… at so-so lang ang Espantaho sa kanya.

Alam kaya niyang pinu-punchline siya ng ibang kasama sa pelikulang ‘yun at hindi sineseryoso?

O kebs din ba natin sa kanya rin, ‘di ba?

Heto tuloy ang isa pang reaksyon sa nasabing reviewers at sa mga nagkikritik, ani ng premyadong manunulat na si Jerry Gracio, “Kayo naman, nagpapaniwala kayo sa Goldwin na ang rebyu ay “matino ang mensahe.” So, ano ibig sabiihin nung matino ang mensahe ng pelikula? Jusko, Kaila, gawa ka ng rebyu page at mas matino rebyu mo. Wala tayong aasahan sa mga kritik natin na hindi na nagki-kritik, nagbibigay na lang ng award.”

Nakakataquote:

Direk Zig Dulay on winning awards in the MMFF: (this was said before the actual awards night, let’s see what happens) “Hindi siya super pressure.” “Kasi una, hindi ako fan ng competition. Mahalaga sa akin na nakapasok yung Green Bones sa MMFF kasi sure ako na maraming makakapanood. “Nandun ako sa stage ngayon na ganoon, na gagawa ng something para mas mapanood ng mas nakararaming tao. “Kasi dahil naniniwala kami sa kung ano yung gustong sabihin ng Green Bones, kung ano yung i-impart niya, lalung-lalo na dun sa values or pagpapahalaga.”

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with