^

Punto Mo

3 sasakyang may ­kargang shabu, ­nakalusot sa Alitagtag!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HINAHANTING ng PNP ang foreigners na kasabwat sa tone-toneladang shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas. Sinabi ni Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na may tatlo o apat na foreigners silang tinutugis na maaring kasabwat ni Thomas Gordon O Quinn alias James Martin sa pagpasok ng shabu sa Pinas. Hindi pinangalanan ni Lucas ang foreigners subalit malaki ang paniniwala niyang nasa Pinas pa ang mga ito. ‘Ika nga, nagpapalamig lang.

May magandang developments naman ang PNP sa kanilang follow-up operations subalit ayaw ibulgar ito ni Lucas baka masunog ang mga tauhan niya ay sayang lang ang na-gain nila. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung hindi pinangalanan ni Lucas ang foreigners na kasabwat ni O’Quinn, kinilala naman sila ni Ajalon Michael Zarate, 47, ang driver ng Foton van na naharang sa checkpoint sa Alitagtag. Sa walong pahinang salaysay ni Zarate, kinilala niya ang foreigners na sina John Robert George Cawley, alyas Broccoli o Mr. Miki na isang British national, Chinese/Singaporean na si Ng Eng Wong alyas Mr. Aden Wong at Eggplant, at si Mr. M, na taga-Poland.

Ayon kay Lucas may tig-dalawang-team ang Calabarzon police at ang NCRPO na kumikilos para hanapin at arestuhin ang foreigners na nagtago matapos makumpiska ang bilyones na shabu sa Batangas. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Zarate na ang foreigners ay kasama niya at ni JM tuwing magdidiskarga sila ng shabu mula sa nakadaong na yate sa Mayamaya White House (Yatch Club) sa Nasugbo, Batangas. Noong Abril 15, ipinarada ni Zarate ang minamanehong Foton van malapit sa mga sasakyan ng foreigners na nakaparada malapit sa yate.

Ang mga sasakyan ay: Black Land Cruiser na minamaneho ni JM (NEJ 3399), white Ford Explorer (BMK 77), at brown Toyota Innova (Z3F 830). Ayon kay Zarate, kasama niya si Eggplant na nagdiskarga ng mga tupperware na nakalagay sa loob ng sako at ikinarga sa mga nakaparadang sasakyan. Nakupooo! May tatlong sasakyan pa pala na may kargang shabu ang nakapuslit sa kapulisan. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Zarate, sabay-sabay na umalis ang apat na sasakyan sa resort sa Nasugbo at nauna ng mga kalahating oras si JM dala ang Land Cruiser. Ang tagubilin sa kanila ni JM ay bagtasin ang kalsada ng Nasugbu patungong Lipa City. Dahil kabisado ni Zarate ang daan, nauna siya sa convoy kasunod ang Ford Explorer ni Eggplant at nasa likuran ang Toyota Innova.

Habang binabagtas nila ang daan, nakipag-communicate naman sa kanila si JM gamit ang Telegram apps. Eh di wow! Si JM na may-ari ng droga ang nagsilbing guide ng tatlong sasakyan, at tagabigay ng direksiyon na kanilang tatahakin. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Kaya lang ang maliligayang araw ng sindikato ay natuldukan matapos maharang sila sa police checkpoint sa Alitagtag dahil sa traffic violation. Araguyyy! Hindi nasabi ni Zarate kung ano ang nangyari sa Ford Eplorer at Toyota Innova na may lamang shabu. Anong sey n’yo mga kosa? Nakaigtad ba? Kaya pala nagkalat ang shabu sa kalye ng Metro Manila. Ayon kay Zarate, ang huling utos sa kanya ni JM ay, “Don’t talk!” Dipugaaa! Hehehe! Mukha namang di nangyari. Abangan!

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with