^

PSN Palaro

12-man Gilas kumpleto na sa Malaysia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
12-man Gilas kumpleto na sa Malaysia
Tim Cone
PBA Images

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang 12-man team ng Gilas Pilipinas na sasabak sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia.

Nasa Malaysia na si naturalized player Bennie Boatwright na galing sa laro nito sa Chinese Basketball League.

Nasa magandang kundisyon si Boatwright kaya’t hindi magiging mahirap para sa kanya na makuha ang sistema ng Gilas Pilipinas.

“It’s a lot of work and these guys are having to do extra work to try to get them in,” ani Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.

Sumasailalim ang Gilas squad sa dalawang beses na ensayo kada araw upang mapakundisyon pa ang tropa.

Magandang pagkakataon ito dahil magkakasama na ng buo ang team.

“We had to do a two a day practice to try to get more time and we’re trying to find that balance bet­ween making them work a little extra so we can get a little bit more knowledge and better,” ani Cone.

Ngunit ingat pa rin si Cone upang maiwasan ang anumang injury gayundin ang mapagod ng husto ang bataan nito.

Nais ni Cone na magkaroon ng pukpukang ensayo nang hindi masyadong nabubugbog ang mga players.

Maliban kay Boatwright, tinututukan din ni Cone ang muling pagpasok sa sistema nina Mike Phillips at Quentin Millora-Brown.

Nakapaglaro naman na sina Phillips at Millora-Brown kaya’t hindi na ito magiging mahirap para sa dalawa.

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago sumalang ang Gilas Pilipinas kung saan una nitong makakaharap ang Syria sa Nobyembre 27 kasunod ang Iran sa Nobyembre 29.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with