^

PSN Palaro

Solar Spikers, Chargers unahang bumangon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Solar Spikers, Chargers unahang bumangon
Ivy Lacsina at Vanie Gandler

MANILA, Philippines — Inaasahang babawi ang Capital1 Solar E­nergy at Akari Chargers sa ka­nilang unang kabiguan sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg.

Magtutuos ang Solar Spikers at Chargers nga­yong ala-1 ng hapon, habang maghaharap ang Choco Mucho Flying Titans at ZUS Coffee Thunderbelles sa alas-6 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nadiskaril ang pagparada ng Capital1 sa kanilang ‘Big Three’ na sina Bella Belen, Vanie Gandler at Erika Santos matapos ang 25-22, 25-18, 17-25, 20-25, 8-15 pagyukod sa Choco Mucho sa pagbubukas ng Siklab leg noong nakaraang Sabado.

Sa nasabing pagka­talo ng Solar Spikers ay umiskor si Santos ng 22 points, habang nagposte si Belen ng triple-double na 15 markers, 15 receptions at 10 digs at nagtala si Gandler ng 15 points at 14 receptions.

“Kumbaga, since bago ‘yung team, I mean, hindi pa kami ganun katagal nagti-training,” ani Belen. “Pero siyempre, hindi naman namin puwedeng gawing excuse ‘yun kung bakit kami natalo.”

Makakatuwang din nina Belen, Gandler at Santos sina setter Juju Coronel at rookie libero Detdet Pepito.

Kagaya ng Capital1, hangad rin ng Akari na makabawi sa kanilang 18-25, 21-25, 18-25 pagkakawalis ng Creamline.

Itatapat ng Chargers sina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Eli Soyud at Alas Pilipinas members Mars Alba at Justine Jazareno.

Samantala, puntirya ng Choco Mucho ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa ZUS Coffee na sasalang sa unang pagkakataon.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with