^

PSN Palaro

Eala nasa Singapore na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala nasa Singapore na
Alex Eala
Tennis Club Macon

MANILA, Philippines — Bago ang Asian Ga­mes, tututukan muna ni Alex Eala ang kampanya nito sa Singapore Open na magsisimula sa susunod na linggo sa Kallang, Singapore.

Nasa Singapore na si Eala kasama ang kanyang coaches at parents para doon ipagpatuloy ang preparasyon nito para sa Singapore Open.

Si Eala ang No. 3 seed sa torneo sa ilalim nina top seed Mirra Andreeva ng Russia at second seed Amanda Anisimova ng Amerika.

Dahil seeded player, sigurado na si Eala ng opening-round bye kaya’t pasok agad ito sa second round.

Excited na si Eala na maglaro sa Singapore lalo pa’t maraming Pinoy ang sabik nang mapanood ang kanyang laban.

Inaasahang muling dudumugin ang venue ng mga Pinoy fans nito upang suportahan ang kanyang mga laro.

Sa schedule ng torneo, posibleng laruin ito sa Martes.

Hahataw din sa Singapore Open sina world No. 19 Elise Mertens, No. 21 Ekaterina Alexandrova, No. 26 Maja Chwalinska, No. 28 Sara Bejlek at No. 33 Maria Sakkari gayundin sina No. 37 Donna Vekic, No. 38 Barbora Krejcikova, No. 40 Wang Xinyu, No. 41 Oleksandra Oliynykova at No. 51 Janice Tjen.

Salang agad sa ensayo si Eala pagdating sa Singapore.

Sumailalim ito sa ilang sesyon sa gym at ilang hitting session sa court.

Matapos ang laban sa Singapore Open, didiretso na si Eala sa Nagoya, Japan para sa Asian Games.

Paborito si Eala na mag­kampeon sa Asian Games dahil walang mga top players na darating sa Japan.

Si Eala ang may pina­kamataas na ranking sa Asian Games kaya’t hahawakan nito ang No. 1 seed sa torneo.

Nag-withdraw sa Asian Games ang mga top Asian players upang sumabak sa Beijing Open at makaiwas sa penalty ng WTA.

Kabilang sa mga nag-withdraw si Tjen at reigning Asian Games at Olympic Games gold medalist Zheng Qinwen ng China.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with