^

PSN Palaro

Soft tennis tiyak na sa bronze

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Soft tennis tiyak na sa bronze
Si multi-titled Bien Zoleta kasama ang mga mi- yembro ng Philippine women's national soft tennis team matapos umabante sa semis at tumiyak ng bronze sa 20th Asian Games.
Soft Tennis Pilipinas

MANILA, Philippines —  Nagwakas na ang 32 taong paghihintay ng Pilipinas sa kauna-unahang medalya sa soft tennis event ng Asian Games.

Ito ay makaraang umabante sa semifinal round ang Philippine women’s national soft tennis team sa 20th Asiad kahapon sa Aichi-Nagoya, Japan.

Pumalo ang grupo nina Bien Zoleta, Christy Sañosa, Princess Catindig, Shyryn Salazar at Hilary Paas ng 2-1 record sa group eliminations papasok sa semifinals bukas.

“Maraming salamat sa lahat ng nagdasal. Andito na tayo sa semis. Isang medalya na para sa Pilipinas,” sabi ni Zoleta sa kanyang social media post.

May tsansa pa silang makamit ang unang gold medal ng Team Philippines sa Aichi-Nagoya Asian Games kung mananalo sa top-seeded Japan.

Ang mga Japanese ay world champion at reigning Asiad titlist.

Unang pinadapa ng mga Pinay netters ang Mongolia bago isinunod ang Thailand.

Ngunit napigilan sila ng Chinese-Taipei.

Subalit sapat na ang kanilang kartada para makasampa sa semifinals.

Samantala, bigo namang makasampa sa semis para sa isa pa sanang bronze medal ang men’s team ng igupo sila ng South Korea sa quarterfinals.

TENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with