Eala ready na sa Cincinnati Open

MANILA, Philippines — Ready na si Pinay tennis star Alex Eala na muling sumalang sa aksyon matapos ang ilang araw na pahinga.
Nakatakdang labanan ni Eala bukas (Manila time) ang sinuman kina WTA No. 77 Elena-Gabriela Ruse ng Romania o No. 68 Magda Linette ng Poland sa second round ng WTA 1000 Cincinnati Open sa Mason, Ohio.
Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Eala sa Cincinnati Open, ang ikatlong pinakamalaking tennis event sa United States matapos ang US Open at Miami Open.
“I think I’ve really played well in the past weeks and I think I’m healthy which is something I’m super grateful for. It’s something that’s obviously on the top of my priority all the time,” sabi ni Eala.
Nabigyan ang 21-anyos na Pinay tennis ace ng first round bye sa Cincinnati Open dahil sa pagiging No. 17 seed sa torneo.
Talo si Eala sa 28-anyos na si Ruse sa unang paghaharap nila sa 2024 US Open, habang may 2-2 record naman si Eala sa 34-anyos na si Linette.
Nakamit ni Eala ang kauna-unahan niyang WTA Tour title sa 2026 Mubadala DC Open sa Washington matapos talunin si American Jessica Pegula sa finals.
Minalas siya sa first round ng WTA 1000 National Bank Open sa Toronto, Canada matapos matalo kay Belinda Bencic ng Switzerland, 4-6, 0-6, noong Lunes.
Sina World No. 2 Elena Rybakina at No. 8 Iga Swiatek ng Poland, parehong tinalo ni Eala sa nakaraang dalawang torneo, ang maglalaban para sa National Bank Open title sa Toronto.
Lalaro rin sina Rybakina at Swiatek sa Cincinnati Open.
Samantala, lalabanan ni Eala ang kaibigang si American netter Iva Jovic sa isang exhibition match sa Stars of the Open sa Agosto 27 sa Arthur Ashe Stadium.
Ang nasabing charity event ay taunang ginagawa kasabay ng US Open Fan Week sa New York City.
Magtutuos sina Eala at Jovic sa isang race to six games match kung saan determinado ang Pinay tennis ace na resbakan ang American player na tumalo sa kanya ng dalawang beses sa mga WTA Tour na French Open at HSBC Championships.
- Latest






















