Hero’s welcome kay Eala

MANILA, Philippines — Matapos hangaan ng buong mundo, naramdaman naman ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa pag-uwi niya sa bansa kahapon.
Pinagkaguluhan si Eala sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City matapos ang makasaysayan niyang kampanya sa prestihiyosong 2026 Wimbledon Championships sa London.
Nagtapos ang ratsada ni Eala sa 4-6, 6-4, 3-6 kabiguan kay Jasmine Paolini ng Italy sa fourth round.
Nakaguhit na sa Philippine tennis history ang nasabing paglalaro ni Eala sa fourth round ng Wimbledon.
Siya rin ang unang Pinay netter na nabigyan ng tiket sa isang Grand Slam tournament.
Hindi naitago ng 21-anyos na tennis ace ang kanyang kasiyahan sa paglalakad niya sa international arrivals area kung saan tumugtog ang arts group Banda Kawayan ng Pilipinas bukod sa isang welcome message sa LED screen.
“Maraming salamat po,” sambit ni Eala na sinalubong nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick Gregorio, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Lawn Tennis Association (Philta) Secretary General John Rey Tiangco.
Saglit siyang huminto sa paglalakad para pumirma ng ilang tennis balls na dala ng kanyang mga fans na nagwawagayway ng Philippine flag at tarpaulin.
Bagama’t walang lalaruang torneo sa bansa ay magiging abala pa rin ang 33rd Southeast Asian Games women’s singles gold medalist sa ilang brand at sponsor engagements ngayong linggo.
Magkakaroon din siya ng meet-and-greet para sa kanyang mga fans sa Miyerkules sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Matapos ang mga aktibidad sa bansa ay magtutungo si Eala sa Amerika para sumabak sa US Open sa susunod na buwan.
x Eala sa panibagong career-high ranking na No. 28 sa official rankings ng WTA na ilalabas ngayong araw.
Mas mataas ito ng limang puwesto mula sa kanyang dating marka na No. 32 bago magsimula ang Wimbledon Championships sa London, England.
Malaking tulong ang matikas na kampanya ni Eala sa Wimbledon kung saan nakarating ito sa fourth round — ang pinakamataas na puwestong naabot nito sa isang Grand Slam tournament at unang Pinay tennis player na nakagawa nito.
Umusad si Eala sa fourth round matapos sibakin si defending champion Iga Swiatek ng Poland sa iskor na 7-6 (9), 6-2.
Naputol lamang ang ratsada ni Eala nang yumuko ito kay 2024 Wimbledon runner-up Jasmine Paolini ng Italy, 4-6, 6-4, 3-6.
Nauna nang tinalo ni Eala sina Renata Zarazua ng Mexico sa first round at Maya Joint ng Australia sa second round.
Sa kabuuan, may 1,666 puntos na si Eala.
Nakakuha si Eala ng 240 puntos sa pagpasok nito sa fourth round ng Wimbledon.
Posibleng umangat pa ito kung magkakaroon si Eala ng magandang kampanya sa hard court season.
Magsisimula ang kampanya ni Eala sa hard court sa Hulyo 27 sa WTA 500 Mubadala DC Open sa Washington DC.
Sasabak din si Eala sa WTA 1000 Canadian Open sa Toronto, Canada sa Agosto 2.
Nasa rest mode ngayon si Eala matapos ang matagumpay na kampanya nito sa grass season.
Ngunit tila hindi rin makapagpapahinga si Eala dahil sasalang ito sa ilang events sa Maynila gaya ng meet and greet sa Hulyo 15.
Matapos nito, agad na sasabak si Eala sa pukpukang ensayo para naman paghandaan ang hard court season.
- Latest






















