^

PSN Palaro

Jokic-less Nuggets tumba sa Celtics

Pilipino Star Ngayon
Jokic-less Nuggets tumba sa Celtics
Ang two-handed slam dunk ni Jayson Tatum ng Celtics kontra sa Nuggets.
STAR/File

DENVER — Kumamada si Jayson Tatum ng 29 points habang may 25 markers si Kristaps Porzingis para sa 118-106 paggiba ng nagdedepensang Boston Celtics sa Nuggets.

Nagdagdag si Porzingis ng 11 rebounds at may 19 markers si Jrue Holiday para sa Boston (27-10).

Hindi naglaro para sa Denver (20-15) ang may sakit na si three-time NBA MVP Nikola Jokic.

Pinamunuan ni Russell Westbrook ang home team sa kanyang 26 points.

Sa Salt Lake City, isinalpak ni Trae Young ang isang buzzer-beating 3-pointer mula sa halfcourt line sa 124-121 pagtakas ng Atlanta Hawks (19-18) sa Utah Jazz (9-26).

Sa Dallas, naglista si Quinten Grimes ng 26 points, 9 rebounds at 6 assists para wakasan ng Mavericks (21-16) ang five-game losing skid sa 118-97 panalo sa Los Angeles Lakers (20-16).

Sa San Francisco, kumolekta si Bam Adebayo ng 19 points, 9 rebounds at 5 assists para banderahan ang Miami Heat (18-17) sa 114-98 paggupo sa Golden State Warriors (18-18).

Sa New Orleans, bumira si Anthony Edwards ng 32 points tampok ang pitong 3-pointers sa 104-97 pagdaig ng Minnesota Timberwolves (19-17) sa Pelicans (7--30).

JAYSON TATUM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with