AFF Cup finals spot puntirya ng mga Pinoy booters
MANILA, Philippines — Puntirya ng men’s football team na gumawa ng kasaysayan — ang makapasok sa finals ng Asean Football Federation (AFF) Cup sa kauna-unahang pagkakataon.
Kaya naman inaasahang ibubuhos ng mga Pinoy booters ang buo nilang lakas para sa inaasam na tagumpay.
Makakaharap ng Pilipinas ang powerhouae Thailand sa second leg ng semifinals ngayong araw sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, Thailand.
Lamang ang Pilipinas sa semis matapos maitarak ang 2-1 panalo kontra sa Thais sa first leg noong Biyernes na ginanap sa Rizal Memorial Football Field sa Malate, Manila.
Ito ang unang panalo ng Pilipinas laban sa Thailand sa loob ng mahigit limang dekada.
Tabla sa 1-1 ang iskor nang hatawin ni Kike Linares ang winning goal ng Pinoy booters para makuha ang panalo.
Inaasahang mapapalaban nang husto ang Pinoy squad lalo pa at nasa home pitch ang Thailand na gigil makaresbak.
“I know this was a very important game for everyone. But in our way of thinking, we’ve only done half of the job. We’ve arrived here and we don’t want to stop. We want to go to the second leg and try to qualify for the finals,” ani head coach Albert Capellas.
Kaya naman kakayod ang mga Pinoy booters para masiguro ang panalo.
“I’m sure we’ll work as warriors to make it happen. I don’t have any doubt. And I want to be sure now that the players recover fast,,” dagdag bi Capellas.
Kailangan lamang ng mga Pinoy booters ang draw o isang panalo para makapasok sa rinals.
“The players really want to make it to the Finals. They are now starting to believe in themselves and that they can beat other teams, and that is very important. We want to stay in the same level, and we know that everything can happen. Football, you know. But my team has that belief that we can make it,” wika pa ni Capellas.
Maghaharap ang Pilipinas at Thailand sa alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila).
- Latest