^

PSN Palaro

Wemby, Anthony sasalang sa Christmas games

Pilipino Star Ngayon
Wemby, Anthony sasalang sa Christmas games
Anthony Edwards of Minnesota (left) and San Antonio's Victor Wembanyama.
AFP photos

NEW YORK — Gagawin nina Victor Wembanyama at Anthony Edwards ang kanilang mga Christmas Day games sa unang pagkakataon.

Babanderahan ni Wembanyama, ang 2023 NBA Rookie of the Year, ang San Antonio Spurs sa pakikipagkita sa New York Knicks.

Ang 7-foot-3 French center ay nagposte ng mga averages na 24.8 points, 9.9 rebounds, 3.9 assists at 4.0 blocked shots a game para sa Spurs na magbabalik sa NBA Christmas lineup sa unang pagkakataon matapos ang walong taon.

“Very excited just about spending Christmas in New York,” sabi ng 20-anyos na si Wembanyama. “Going to be like the movies I hope, maybe get a little snow.”

Ang Knicks ang may pinakamaraming sina­bakang Christmas games sa bilang na 56 sapul noong 1947 na unang taon kung saan inilaro ang NBA Christmas game.

Samantala, pamumunuan ni Edwards, ang two-time NBA All-Star guard na tinulungan ang United States sa pagkopo sa gold medal sa Paris Olympics, ang Minnesota Timberwolves sa pagharap sa Dallas Mavericks.

Ito ang rematch ng Timberwolves at Mavericks matapos ang nakaraang Western Conference finals.

Bumanat si “Ant-Man” ng mga averages na 25.3 points, 5.5 rebounds, 4.0 assists at 1.4 steals para sa T-Wolves.

Ang iba pang maglalaro sa Araw ng Pasko ay ang defending champion Boston Celtics laban sa Philadelphia 76ers, ang Golden State Warriors kontra sa Los Angeles Lakers at ang Denver Nuggets na sasagupa sa Phoenix Suns.

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with