Lakers sasagupa sa Nuggets sa first-round playoffs
NEW ORLEANS — Humakot si LeBron James ng 23 points, 9 assists at 9 rebounds para banderahan ang Los Angeles Lakers sa 110-106 pagtakas sa Pelicans sa Western Conference play-in tournament.
Nagposte si Anthony Davis ng 20 points at 15 rebounds habang umiskor si D’Angelo Russell ng 21 markers tampok ang limang three-pointers para sa pagpasok ng Los Angeles sa first-round playoffs katapat ang nagdedepensang Denver Nuggets.
Winalis ng Nugets ang Lakers sa nakaraang Western Conference finals series.
Haharapin naman ng Pelicans ang Sacramento Kings, tumalo sa Golden State Warriors sa isa pang play-in game, para sa agawan sa No. 8 seed.
Ang mananalo ang lalaban sa Oklahoma City Thunder sa first-round playoffs.
Humakot si Zion Williamson ng 40 points at 11 rebounds para pamunuan ang New Orleans na nakatabla sa 95-95 sa huling 3:19 minuto ng fourth period.
Matapos ito ay umiskor si James ng isang jumper kasunod ang dunk ni Davis at triple ni Russell para sa panalo ng Lakers.
Sa Sacramento, humataw si Keegan Murray ng 32 points habang may 24 markers si De’Aaron Fox sa 118-84 demolisyon ng Kings sa Warriors sa kanilang play-in matchup.
Nagdagdag si Harrison Barnes ng 17 points at kumolekta si Domantas Sabonis ng 16 points at 12 rebounds para sa Sacramento.
- Latest