^

PSN Palaro

La Salle mainit ang pagbabalik sa SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
La Salle mainit ang pagbabalik sa SSL
Hinatawan ni Angel Canino ng La Salle sina Sam Ildefonso at Dannica Celis ng UP.
SSL photo

MANILA, Philippines — Sinandalan ng De La Salle University sina ve­te­rans Angel Canino at Shevana Laput para pabag­sakin ang University of the Philippines, 25-14, 18-25, 26-24, 25-12,sa second day ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Bagama’t hindi na­ging madali ang panalo ay ipinaramdam ng Lady Spi­kers ang kanilang lakas sa una nilang laro sa Pool C para sa kanilang mainit na pagbabalik sa liga matapos hindi maglaro noong nakaraang taon.

Nakitaan din ng tikas ang Fighting Maroons nang bigyan nila ng magandang laban ang Lady Spikers sa second at third set, subalit naging matatag ang  2023 National Invitationals champion, La Salle sa fourth mula sa tulong nina  Canino at Laput para makuha ang panalo.

Tumikada si Laput ng pito sa kanyang 18 points sa fourth frame habang nag ambag si Canino ng 16 points para sa La Salle na nilista ang 1-0 karta.

“For the team, it was really just sticking to our system, listening to what the coaches were telling us but most importantly pla­ying with pride and puso,” ani Canino ang  2023 National Invitatio­nals MVP.

May tsansa sanang ma­sikwat ng Fighting Maroons ang set three matapos magtabla sa 24-all subalit pumutok si Laput upang maitakas ng Taft-based squad ang mahirap na set win.

Samantala, naka-rekober ang University of the East Lady Warriors mula sa set down matapos kalusin ang Lyceum of the Philippines University Pirates, 24-26, 25-21, 25-22, 25-14, sa Pool B.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with