^

Punto Mo

Mga programa ni Gen. Tuaño sa PRO6, epektib!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ANG patuloy na pakikipagtulungan ng pulisya at komunidad ay nagresulta ng pagbaba ng krimen o focus crimes sa buwan ng Hulyo sa Western Visayas ng 38.09 porsiyento, ayon kay PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño. Ang positibong resulta, ayon kay Tuaño, ay bunga ng dedikasyon ng kapulisan, aktibong pakikilahok ng komunidad, at patuloy na suporta ng LGUs sa pagpatupad ng mga programang kontra krimen. ‘‘Ang pagbaba ng bilang ng mga focus crimes ay sumasalamin sa sama-samang pagsisikap ng ating mga pulis at ng ating mga komunidad upang maging mas ligtas ang Western Visayas. Hindi tayo titigil dito,” ani Tuaño. “Patuloy nating palalakasin ang police visibility, pahuhusayin ang ating kakayahang tumugon sa mga insidente, at lalo pang paiigtingin ang pakikipagtulungan sa ating mga stakeholder upang mapigilan ang krimen bago pa ito mangyari,’’ ang giit pa ni Tuaño. Mismooooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa report na natanggap ni Tuaño, nagtala ang PRO6 ng 104 na focus crimes mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 31, na mas mababa ng 38.09 porsiyento sa 168 na kaso noong nakaraang taon. Ang kasong rape ang nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba na 78.26%, mula 46 kaso noong nakaraang taon ay naging 10 kaso na lamang ngayong taon. Sinundan ito ng carnapping ng motorsiklo, na bumaba ng 76.92%, mula 13 kaso ay naging tatlong kaso. Ang mga kasong murder ng 28.57% (mula 14 tungo sa 10 kaso), physical injury ng 20% (mula 30 tungo sa 24 kaso), robbery ng 15.38% (mula 13 tungo sa 11 kaso), at theft ng 13.63% (mula 44 tungo sa 38 kaso). Samantala, nanatiling walo ang naitalang kaso ng homicide sa parehong panahon. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kahit mababa na ang focus crimes ng PRO6, hinimok pa rin ni Tuaño ang komunidad na ipagpatuloy ang pagiging mapagmatyag at makiisa sa kapulisan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad o insidente para sa madaliang pagresponde at pagligtas ng buhay ng mga biktima. ‘‘Mas nagiging epektibo ang crime prevention kapag magkasama ang pulisya at komunidad. Hinihikayat natin ang bawat isa na manatiling mapagmatyag, magmalasakit sa kapwa, at huwag mag-atubiling magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad,” ang giit ni Tuaño. “Ang bawat responsableng ulat ay malaking ambag sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan, ang dagdag pa niya. Purbidang yawaahhhhh!

Sana mapansin ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. itong mga programa ni Tua? at ipagaya ito sa iba pang rehiyon dahil epektib ito. Abangan!

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with