^

Bansa

China binomba uli ng tubig 2 barko ng Pinas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling binomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) kahapon ng umaga, isang araw matapos ang kaparehong insidente sa parehong lugar.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dakong alas-6:26 ng umaga nang bombahin ng CCG vessel 3107 ang BRP Cape San Agustin mula sa layong 400 me­tro habang nagsasagawa ng maritime patrol.

Alas-7:35 ng umaga, binomba rin ng CCG vessel 21581 ang BRP Datu Paduhinog ng DA-BFAR, 12 nautical miles sa hilagang-silangan ng Bajo de Masinloc. Alas-7:53, muling tinamaan ang naturang barko at dalawang beses pang binomba, dahilan ng pansamantalang pagkawala ng satellite internet connectivity na naibalik bandang alas-8:36.

Pagsapit ng alas-8:09, namataan ang Chinese Maritime Militia vessel 00318 na may hinihila pang lubid, 100 metro sa likod ng BRP Datu Sumakwel , na ayon sa PCG ay nagdulot ng panganib sa ligtas na nabigasyon.

Tiniyak ng PCG na ligtas ang lahat ng tauhan ng BFAR at PCG sa kabila ng “ilegal, koersibo, agresibo at mapanlinlang” na aksyon ng mga puwersa ng Tsina.

Matatandaang Huwebes, una na ring binomba ng tubig ng CCG ang mga barko ng PCG at BFAR na nagdadala ng pagkain at langis para sa mga mangingisda sa ilalim ng Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda program.

CHINA COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with