^

PSN Opinyon

‘Akusasyonalingan’ ni Digong Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGPA-presscon si ex-President Rodrigo Duterte. Binatikos ang aniya’y maling pamamahala ng administrasyon sa PhilHealth funds. Inililihis ba niya ang atensiyon ng madla sa mga pangit na usaping kinasasangkutan ng anak niyang si VP Sara? Itigil na dapat ng mag-ama ang pagbaligtad sa sitwasyon. Ang pinalalabas na masama ay ang pamahalaan gayung ang mga anomalya ay nasa kanila.

Fake news na dinugas ang P90 bilyon mula sa PhilHealth. Ang P60 bilyon ay hindi nagamit na pondo. Ito’y ‘di nagmula sa kontribusyon ng mga miyembro kundi sa annual subsidy ng gobyerno. Iyan ay ibinalik sa National Treasury alinsunod sa General Appropriations Act of 2024.  

Ipinambayad ang pera sa COVID-19 allowances ng frontliners, pagtaas sa sweldo ng mga empleyado ng gobyerno­, at pagpapagawa ng mga imprastruktura. Ngayon, ang Phil­Health ay may reserbang P500 bilyon na ginastos sa pag­tataas sa mga benepisyo gaya ng  healthcare packages, sa breast cancer at malubhang dengue. Very transparent ang disbursement, hindi gaya ng paggasta sa confidential fund ng OVP at DepEd na ayaw ipaliwanag ni Sara. 

Kinlaro ng Department of Finance ang pinaggastusan ng P60 bilyong idle funds. Ang P27.5 bilyon ay ibinayad­ sa overdue nang COVID-19 allowances ng frontliners. Ginamit naman ang higit P40 bilyon sa salary increase ng govern­ment workers at ang iba pang pondo ay para sa mahaha­lagang imprastruktura.

Umunlad lalo ang mga benepisyong mula sa PhilHealth.

Kahit natalakay ko na ito noon, uulitin ko para tayo ma­liwanagan. Ang dialysis benefits ay naging 156 sessions (mula sa dating 90 lang) at ang bawat sesyon ay nagka­kahalaga ng P6,350 (mula sa dating P2,600 lang) o halos P1 milyon kada pasyente. Ang coverage para sa breast cancer ay tumaas sa P1.4 milyon mula P100,000 kada pasyente. 

Ang benepisyo para sa malubhang dengue ay tumaas ng 200 percent sa P47,000 mula P16,000. Ang primary care benefits sa ilalim ng PhilHealth Konsulta ay tumalon sa P1,700 mula P500 kada indibidwal. Ang coverage para sa stroke, asthma, at neonatal sepsis ay dumoble. Ang pagpapalawak ng serbisyo ay isang patunay na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno upang pakinabangan ng mas maraming Pilipino. 

Ang ipinahaharap ni VP Sara sa quad committee ng House ay mga tauhan niya na dumaranas tuloy ng panic attack at naha-high blood porke sadyang mahirap maipit sa kasinungalingan. Ang administrasyon ni PBBM ay very transparent sa PhilHealth funds habang ang kampo ng mga Duterte ay abala sa pag-iwas at paglikha ng mga kaguluhan at drama upang mapagtakpan ang kanilang mga kamalian.

FUNDS

PHILHEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with