Bulkang Taal sumabog - Phivolcs
MANILA, Philippines — Sumabog ang Bulkang Taal nitong Miyerkules ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, naitala nila ang Phreatomagmatic Eruption na nagsasabing ang bulkan ay nagkaroon ng napakabayolenteng pagsabog dahil sa pagsanib ng erupting magma sa tubig.
Nagkaroon din umano ng voluminous, bahagyang taas na ash column at laterally-projected pyroclastic currents ang bulkan.
Bago ito, nagtala ang bulkan ng limang Phreatic Eruption events at 6 volcanic tremors na may 2-10 minuto ang haba.
Nagluwa rin ang bulkan ng 1,354 tonelada ng asupre at upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake at katamtamang pagsingaw na may taas na 2,100 metro na napadpad sa hilagang-silangan at silangan-hilagang-silangan ng bulkan.
Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI) lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal gayundin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Nananatili sa alert level 1 ang Taal bagamat may mga abnormalidad na naitatala.
- Latest