Diretsong 5 target ng JRU sa Letran
MANILA, Philippines — Muling ikakasa ng Jose Rizal University sa opensa sina Chris Hubilla at Lawrence Mangubat upang sikwatin ang five-game winning streak sa pagsagupa nila sa Letran sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil sa San Juan ngayong araw.
Magsisimula ang bakbakan ng Heavy Bombers at Knights sa alas-5 ng hapon.
Magkatapat naman sa alas-3 ng hapon ang College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo College.
Kasalukuyang magkasamang nakaupo sa tuktok ng Group A ng team standings ang JRU at CSB tangan ang tig-6-1 karta.
Sina Hubilla at Mangubat ang pumasan sa opensa sa huling panalo ng Heavy Bombers sa Generals, 84-74, bagama’t malaki ang lamang ay dumaan pa rin sa butas ng karayom ang Kalentong-based squad.
Para sa Letran, naka tambay sila sa pangalawang puwesto sa Group B pasan ang 4-3 baraha, ipaparada nila ang kanilang pambato na sina Chad Gammad, Jimboy Estrada at Justin Cargo para maka balik agad sa porma.
- Latest



















