PSC suportado ang Milo Walk, Run & Roll event
MANILA, Philippines — Todo ang suportang ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Milo Walk, Run & Roll event na nakatakda sa Hulyo 26 sa UP Diliman campus.
Ang mga nakalatag na events ay ang 1K, 3K, 5K at 10K.
“It’s a PSC project that began in 2024, an advocacy that we started when we found the need for projects not just for elite but para athletes,” ani PSC Commissioner Walter Torres kahapon sa Philippine Sportswriters Association Forum sa PSC media room.
Idinagdag ni Torres, miyembro ng Philippine fencing team na lumaban sa 1992 Barcelona Olympics, na ang event ay para sa mga persons with disabilities pati na ang kanilang mga pamilya at kaibigan.
Inilunsad ang event noong 2024 na nilahukan ng 800 participants sa UP Diliman kasunod sa Surigao noong nakaraang taon na sinalihan ng 3,000.
Ngayong taon ay inaasahan ng mga organizers na aabot sa 5,000 ang lalahok kung saan 2,000 na ang nakapagpatala.
- Latest




















