Biado No. 4 sa world moneymaker
MANILA, Philippines — Pumuwesto sa ikaapat si world champion Carlo Biado sa listahan ng moneymaker ng Az Billiards website.
Sa nakalipas na taon, humakot ng kaliwa’t kanang korona si Biado dahilan para mapasama ito sa Top 5 ng may pinakamalaking napanalunan.
Nagbulsa ang Pinoy cue master ng kabuuang $209,275 prize money o katumbas ng halos P12 milyon.
Nangunguna na sa listahan ng mga napanalunan nito ang prestihoyosong World 10-Ball Championships kung saan nagkamit ito ng $75,000.
Ilan din sa mga napanalunan nito ang team event na Reyes Cup ($15,000), ang Ho Chi Minh City Open ($35,000), ang Raxx Mhet Vergara Pro Am ($9,000) at Chinese Taipei Open ($10,000) habang may runner-up finish ito sa Alfa Las Vegas Open ($14,000), at third place naman sa Maldives Open ($8,000), Lushan Open ($3,000) at Hanoi Open Pool Championship ($9,500).
Nasa ika-11 puwesto naman si Johann Chua na may kabuuang $121,250 premyo.
Magkasama sina Biado at Chua sa Reyes Cup ($15,000).
Nasa No. 1 spot si Fedor Gorst ng Amerika na may $510,163 habang ikalawa si German Joshua Filler ($316,488) at ikatlo si American Shane van Boening ($228,388).
- Latest