^

PSN Palaro

Pinoy lifters bumuhat ng 3 golds sa Doha

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas ang national  junior weightlifting team matapos humakot ng tatlong ginto, anim na pilak at anim na tansong medalya sa pagsisimula ng 2024 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginaganap sa Doha, Qatar.

Nanguna sa matikas na ratsada ng Pinoy squad si Aldrin Colonia matapos bumuhat ng dalawang gintong medalya sa men’s youth 49-kilogram event.

Napasakamay ni Colonia ang ginto sa clean and jerk nang mairehistro nito ang 118 kg. habang naglista naman ito ng 95 kg. para magkasya sa pilak sa snatch.

Sa kabuuan, nakakuha si Colonia ng 213 kg para angkinin ang ginto sa Total.

Ibinulsa ng isa pang Pinoy lifter na si Eron Borres ang ginto sa snatch matapos bumuhat ng 97 kg.

Napasakamay naman ni Dao Bui Minh ng Vietnam (204 kg) ang pilak sa Total habang pumangatlo si Babulal Hembrom ng India na may total lift na 197 kg.

Masaya si Colonia sa tagumpay nito partikular na nang marinig nito ang national anthem ng Pilipinas sa awarding ceremony.

“My dream came true hearing the anthem of the Philippines. I would like to thank my coaches who assisted me in achieving my goals,” ani Colonia.

Nag-ambag si Prince Kiel Delos Santos ng pilak sa men’s youth 55 kg at tanso naman sa junior 55 kg events.

Nagdagdag naman ng pilak na medalya si Althea Bacaro sa women’s 40 kg category habang nakapilak din si Angeline Colonia sa women’s junior 45 kg class.

May tanso naman sina Alexandria Diaz sa wo­men’s 45 kg, Rosalinda Faustino sa women’s youth 49 kg category.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with