Jiu-jitsu world champions hanap ni Aguilar
MANILA, Philippines — Pakay ng DEFTAC na palakasin pa ang programa nito upang makahubog ng mga jiu-jitsu world champions sa mga susunod na henerasyon.
Ito ang plano ni DEFTAC founder Alvin Aguilar kung saan naniniwala itong maraming talento ang Pilipinas na kailangan lamang mabigyan ng sapat na training para maging mga susunod na world champions.
Sa katatapos na 2024 World Festival Jiu-Jitsu Championship, ilang mga bagitong jiu-jitsu fighters ang nagpasiklab kabilang na sina Princess Akeisha Reuma, Ma. Althea Louise Brion, Aielle Aguilar, Marcus Sebastian Dela Cruz at Yani Alexii Lopez na sumungkit ng gintong medalya sa kani-kaniyang kategorya.
May pilak naman si Ella Rosario Daza Olaso sa teen yellow 48 kgs class.
“It has been 26 years since the first time we competed abroad, and we are happy that through those years we have been able to produce countless world champions. Now, we have five,” wika ni Aguilar na siya ring pangulo ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) at Universal Reality Combat Championship (URCC).
Sa taong ito, may 21 world champions ang na-produce ng DEFTAC.
“This year the WAP Junior Grappling team made up of homegrown talents from DEFTAC has already produced 21 World Champions this year in different tournaments,” pahayag ni Aguilar.
- Latest