Gatchalian: 2027 budget, mararatipikahan bago Disyembre 17
MANILA, Philippines – Tiwala si Senate President Sherwin Gatchalian na mararatipikahan ng Kongreso ang panukalang 2027 national budget bago sumapit ang Disyembre 17.
Ayon kay Gatchalian, nakaayon sa iskedyul ng Senado ang pagtalakay sa budget kaya hindi na kinakailangang gumamit ng reenacted budget.
“Kakayanin namang maratipikahan ang budget before December 17,” ani Gatchalian.
Sinabi niyang ilalabas muna ang budget para sa plenary debates, susundan ng pag-apruba sa ikalawa at ikatlong pagbasa bago ito isalang sa bicameral conference committee.
“Hopefully, walang magiging deadlock,” dagdag niya.
Samantala, sinabi rin ni Gatchalian na target ng Commission on Appointments na kumpirmahin ang nasa 35 presidential appointees bago mag-adjourn ang Kongreso upang maiwasan ang pagka-bypass ng kanilang mga appointment.
- Latest





















