Sexy star, slow ang pickup
Wala yata sa sarili ang isang sexy star nang magkaroon ng briefing sa mga isasagot nila sa media conference.
Dalawa lang kasi ang sexy stars na humarap dahil ang kasama nilang isa pang sexy star eh nag-attitude!
May nagtanong na tungkol sa characters nila sa movie. Buong ningning na sumagot si sexy star 1 na walang buckle!
Nang sumagot si sexy star 2 sa same question, simple lang ang naging sagot niya at wala nang palabok pa!
Napansin ni sexy star 1 na parang iba ang sagot ni sexy star 2 sa same question. Saka lang pumasok sa ulirat ng sexy star 1 na tungkol lang sa role ang sagot niya dapat!
Hindi raw naintindihan ni sexy star 1 ang tanong kaya sumagot siya uli pambawi sa maling sagot!
Nginitian lang ng nagtanong ang paeklat ni sexy star 1!
Claudine at Baron, parehong may bagong pelikula
Masuwerte pa rin sina Claudine Barretto at Baron Geisler dahil merong Boss Vic del Rosario na patuloy na nagtitiwala sa kanilang kakayahan bilang artista.
Kahit batbat ng kontrobersya sa buhay, may bagong movie si Baron na Henyo ang title. Walang duda ang husay ni Baron kaya naniniwala si Boss Vic na may puwang pa rin siya sa showbiz.
Tiwala rin si Boss Vic kay Claudine Barretto na suportado ng fans at mahusay umarte.
Kaya naman isang horror movie ang gagawin ni Claudine sa Viva titled Morticia. Ang bongga sa movie niya, makakasama niya si Bea Binene coming from the success of Pee Mak with Wilbert Ross!
Malakas pa rin ang gut feeling ni Boss Vic na papalo sa takilya ang movies nina Claudine at Baron!
- Latest




















