^

Police Metro

Go, hindi suspendido,‘di muna isasama sa clearing ops — MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Hindi suspendido sa serbisyo si Special Operations Group - Task Force for Road Clearing head Gabriel Go sa gitna ng isyu ng pagko-content sa pagsita sa isang guro na walang helmet habang nagmo-motorsiklo.”

Ito ang nilinaw nitong Huwebes ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes na sa clearing operations lamang hindi pinasasama si Go habang iniimbestigahan pa ang kinasasangkutang isyu.

“Empleyado pa rin siya, hindi siya suspended sa trabaho patuloy pa rin ang clearing operations kahit wala si Go”, wika ni Artes.

Inisyuhan naman si Go ng show-cause order (SCO)para magbigay ng paliwanag sa nangyari.

“Tayo naman ay may guidelines regarding pagpo-post ng ating mga empleyado sa socmed particularly ‘yung bawal mag-post ng demeaning o ‘yung mga post na ipinapahiya ‘yung ibang tao. So, titingnan po natin kung may paglabag po sa panuntunan na ‘yan,” ani Artes.

Makikipag-ugnayan din ang MMDA sa guro para ilabas ang kanyang panig.

Inihayag pa ni Artes na ang pagpo-post sa social media­ ng mga operasyon ay upang malaman ng publiko na ina­aksyunan nila ang mga natatanggap na reklamo mula sa hotline 8888.

GABRIEL GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with