PANOORIN: Malacañang sinagot ang pahayag ni Sara Duterte sa Tacloban school shooting
MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na nabigo ang pamahalaan na kilalanin ang kahalagahan ng intelligence gathering bago ang naganap na school shooting sa Tacloban City.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mga estudyante at hindi mga terorista ang mga suspek sa insidente.
Samantala, sinabi ng Philippine National Police na base sa paunang imbestigasyon, posibleng nakaimpluwensya sa mga menor de edad ang mararahas na online content at ilang online groups.
Patuloy ding sinisiyasat ng mga awtoridad ang iba pang posibleng dahilan ng insidente, kabilang ang alegasyon ng bullying.
- Latest


















