^

Pang Movies

Eman, kinapos sa training?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Eman, kinapos sa training?!
Eman

Dapat siguro ay tutukan muna ni Eman Bacosa Pacquiao ang kanyang boxing career at pansamantalang iwan ang showbiz para hindi nadi-distract ang kanyang boxing career.

?Marami ang nagsasabi na kulang si Eman sa ensayo nang ito’y humarap sa laban nila ni Rodelyn Perez na siyang nagpatumba sa kanya ng tatlong beses para masungkit nito ang Philippine Boxing Federation Lightweight title last Sunday, June 20, 2026 na ginanap sa DRP Sports Complex in Muntinlupa City.  Nagkataon na wala sa bansa ang amang si Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa Los Angeles, California kung saan na ito nag-umpisang mag-training para sa reunion bout nila ni Floyd Mayweather sa darating na September na gaganapin sa Sphere in Las Vegas, Nevada.?

?At 22, malayo pa ang mararating ni Eman at kaya pa nitong makabawi kung seseryusuhin lamang nito ng husto ang kanyang boxing career.

?Nagsimula si Eman sa kanyang boxing career in Febuary 2023 ay naka-walong panalo na ito, limang panalo by knock-out, isang draw at dalawang talo.

?Malaking bagay naman sa underdog na si Rodelyn Perez ang kanyang panalo over Eman.

?Bukod kay Eman, pinasok din ng kanyang half-brother (sa father side) na si Jimuel Pacquiao ang boxing career pero ito’y naka-base ngayon sa Los Angeles, California together with his wife, ang Mexican-American na si Carolina Pimentel at baby daughter  nilang si Clara Pacquiao.

Zsa Zsa tahimik na ang relasyon sa sikat na arkitekto

Hindi ang Divine Diva, singer-actress at host na si Zsa Zsa Padilla sa mahahalagang okasyon ng kanyang namayapang partner (of 24 years), ang comedy king na si Dolphy (Quizon) tulad ng kaarawan nito, death anniversary at Father’s Day celebration.

?Kahit matagal nang may ibang partner si Zsa Zsa ngayon, ang veteran at kilalang architect na si Conrad Onglao, never na nakakalimutan ng singer actress-host ang pagalaala sa namayapang komed­yant tulad na lamang nung nakaraang linggo, June 21 na selebrasyon ng Father’s Day.

?Umabot ng 24 na taon ang pagsasama nila ni Zsa Zsa na nabiyayaan ng isang anak na si Zia and their adopted daughter na si Nicole.

?Zsa Zsa was formerly married sa ama ni Karylle, ang namayapa na ring si Dr. Modesto Tatlonghari na isang kilalang dentista.

?Si Architect Conrad ay 12 taon na rin ang relasyon kay Zsa Zsa pero hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa matapos ma-abort ang plano nila sa isang bahagi ng Europe. Although sandaling nagkahiwalay noon nina Zsa Zsa at Arch. Conrad, muling nagkaayos ang dalawa at tahimik lamang ang relasyon nila ngayon.

?Arch. Conrad Onglao was formerly married sa kilalang interior designer at restaurateur na si Ivy Almario at meron silang two grown up sons.

EMAN BACOSA PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with