^

PSN Showbiz

Jennylyn, gumaya na kay Dennis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, gumaya na kay Dennis!
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Kinaaliwan ang ipinost na video ng aktres na si Jennylyn Mercado kung saan nakisali siya sa What’s In My Bag trend na may twist.

Bumenta ang pagpapatawa ng misis ni Dennis Trillo kung saan ipinakita niya isa-isa ang laman ng kanyang tote bag.

Pabiro niyang nilabas ang mga laman ng neon pink tote bag. Aliw nga ang mga gamit na imposibleng magkasya sa kanyang bag gaya ng helmet, desk fan, rice cooker, kawali at marami pa pero ang twist ay pati ang mister na si Dennis ay nagkasya sa kanyang bag.

Exaggerated niya pang hinila kunwari ang Pulang Araw actor mula sa bag at hinalikan bago ibalik sa loob na kinatawa ng netizens.

Napakomento nga rin ang mga kaibigan nila na gaya ni Sheena Halili na nagtanong kung kasya rin daw ba ang dalawang bata sa loob. Para raw kasi itong bag ni Doraemon sa rami ng laman.

Komento pa nga ng iba ay nahawa na raw ang nanay ni Dylan sa mister sa pagiging kwela nito sa TikTok na hindi raw mapigilan ang mister kaya naki-join na rin. Bongga.

Ginawa noon ni La Greta, ‘di makalimutan

Ang ganda nga ng photos ni Gretchen Barretto. For sure marami ang natutuwa na meron silang glimpse ng looks ngayon ni La Greta.

Hanga ako sa ginagawa ni Gretchen na very private siya pero hot news pa rin siya palagi. At dahil Ber months na naman, naaalala ko ang Christmastime kung saan nagkalat ang mga ipinamigay niyang goodie boxes sa halos lahat ng taga-showbiz. Sana ulitin iyon ni Gretchen Barretto lalo ngayon na marami ang naghahanap ng calamity fund dahil sa hirap ng buhay.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with