^

PSN Showbiz

Sofia, may patutsada sa dating stylist?!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sofia, may patutsada sa dating stylist?!
Sofia Andres

May matapang na post sa Threads si Sofia Andres at kahit walang binanggit na pa­ngalan, kinonek ito ng netizens sa earlier post niya tungkol sa kanyang stylist.

Magkakasunod ang post niyang “Blood is always thicker than water.”

Sinundan ng “If you welcome thieves, toxicity & negative people. Life won’t be easy” at “Remember blood is thicker than water & I don’t tolerate thieves in my life.”

Wala pang reaction ang former stylist niya na ‘wag na nating banggitin at baka masama tayo sa demanda kapag nagkademandahan sila.

May nabasa kami na ang relatives ng stylist ang nag-react para sa kanya, pero maganda sana kung siya mismo ang sasagot sa mga akusasyon ni Sofia.

James, aapir sa programa ni Dingdong!

Maggi-guest si James Reid sa Family Feud this October, in-announce ito ng host ng game show na si Dingdong Dantes. Wala pa siyang binanggit na date kung kailan ang schedule guesting ni James at hindi pa yata siya nagte-taping.

Ang sabi lang ni Dingdong, abangan ang gues­ting ni James na ikinatuwa ng fans nito. At least daw, hindi na lang sa ABS-CBN shows mapapanood si James dahil open na siyang mag-guest sa GMA 7.

Balik-Kapuso raw si James sa kanyang guesting sa Kapuso network dahil minsan na siyang naging part ng Sunday show ng GMA 7.

Sila ni Nadine Lustre naging mainstay ng show na hindi namin matandaan ang title at nangyari noong pareho pa silang nasa Viva.

Anyway, part siguro ng pahayag ni James na mas magiging active na siya sa showbiz itong guesting niya sa game show ng Kapuso Network.

Nauna nang nabanggit nito na babalikan niya ang paggawa ng teleserye sa ABS-CBN, kaya abangan na lang ng kanyang fans ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Dingdong, inaming tagabuhat ni Marian sa MFW!

Hindi lang pala nag-attend ng show ng Kiko Milano sa Milan Fashion Week sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nag-attend din sila sa event ng Vogue. Para sa 60th anniversary ng fashion magazine ang event, it was a big celebration at kabilang sila sa dumalo.

Sa pinost na photo ni Marian sa Instagram, sabi nito, “With my Kiko family at Vogue Italia!”

Dahil sa pagdalo Milan Fashion Week at kahit hindi siya rumampa at sinundan ng Vogue Italia event, may mga suggestion for Marian na dalas-dalasan ang pag-attend sa mga fashion week. Sigurado raw na mag-i-enjoy siya.

Samantala, natanong si Dingdong sa Milan trip nila at ang sabi nito, chape­rone, alalay, at tagabuhat ng mga gamit ng asawa ang kanyang role.

Ayon sa DongYan fans, kulang ang description niya dahil nakalimutan niya ang pinakaimportanteng role niya sa trip nila: ang maging date ni Marian.

Samantala, sa Oct.16, na ang sho­wing sa mas maraming sinehan ng Cinemalaya movie ni Marian na Balota. Sa mga gustong magpa-block screening, email ninyo ang [email protected].

vuukle comment

ACTRESS

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with