Ate Guy, pinatay sa fake news!
Grabe naman ang ibang fans at bashers, sobrang nega na talaga. Bakit naman pinatay nila ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa social media?
Pati taga-National Commission for Culture and the Arts ay nabahala sa mga naglabasang mga fake news.
Ang tanong, may kinalaman ba ito sa paglo-lobby ng iba sa mga kandidato nila sa pagka-National Artist?
Sana huwag namang ganun!
Carlos, niligwak ng commercial na family-oriented!
Totoo bang may isa pa raw commercial na sana ay para kay Carlos Yulo pero niligwak na lang daw siya diumano ng mga boss ng kumpanyang dahil family-oriented daw ito? Sayang naman kung lagi na lang ganito.
EJ, nasapawan na si Caloy
Isa na namang show ang pinag-guestan ni EJ Obiena!
At parang na-eclipse na niya si Carlos Yulo in terms of a positive mileage.
Sadya ba itong pagkukumpara sa kanilang dalawa?
Wala pa ring malaking commercial si Caloy befitting a king of his sport and his country. Sana lang si EJ mag-focus rin sa kanyang sariling performance as pole vaulter para hindi puro PR at press release rin lang ang kampo niya, ‘di ba?
Lea, mas benta ang boses kesa mata-mata!
Nagdagdag pa ng isang date si Lea Salonga sa kanyang concert na Stage, Screen and Everything In Between. Sold out na kasi ang naunang 2 nights nito sa Solaire.
Eh ‘yung play niyang Para sa Radyo na ka-alternate niya si Dolly de Leon, sold-out na rin ba?
Tila mas ninanais ng fans ni Lea na kumanta siya kaysa magbayad ng libu-libong tickets na walang dialogue at mata-mata lamang.
Eh kung may meet and greet after, gagawin kaya ni Lea? Aber?
Nakakataquote: Robi, para sa misis ang birthday wish
“First things first, I want Maiqui’s sickness to be gone so we can go back to our original plan. It’s my wish for my birthday. It’s not for me anymore.” – Robi Domingo on his birthday wish
- Latest