^

Pang Movies

RS, kakampi ang tingin kay Vice

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi kalaban sa negosyo ang turing ni RS Francisco kay Vice Ganda.

Si RS ang isa sa mga owner ng sikat na Rampa Drag Club sa Quezon City.

Meron na rin kasi ngayong sariling comedy bar si Vice Ganda at akala ng marami competitor sila.

 “Alam mo kahit gawin pa niyang drag club din, Vice will never be a competitor because she is our ally. Kumbaga kakampi namin ‘yan. Siya nga nag-cut ng ribbon eh (sa Rampa). Ilang beses siyang nagpupunta rito eh kaya nga bukas full force (last Friday) kami lahat, magpupuntahan doon to show support,” bungad ni RS nang makausap namin siya sa trade launch ng Rampa last Thursday afternoon kung saan talagang mamamangha ka sa huhusay na mga drag queen na nag-perform sa mga invited guest.

Wow, grabeng maka-split at tumbling, parang mga walang buto.

“Bakit namin siya sinasabing kakampi, eh ang lakas ng hatak niya eh. ‘Pag nahatak niya ‘yung mga tao from Makati, South, from BGC papunta rito, saan sila pupunta, dalawa lang naman, Vice at Rampa and Rampa can only accommodate 300. Vice club can only accommodate 400-500. E sa sobrang lakas ni Vice, sobrang lakas-hatak niya sobrang daming tao umabot din sa QC,” katwiran ni RS na isa ring mahusay na actor at negosyante.

Kaya naman kahit ang mga regular performer nila sa Rampa, handa niyang ipahiram sa comedy bar ni Vice.

“We never prohibited any of our queens to perform anywhere, kahit saan. They can perform in bars.”

Kasi sa iba bawal eh?

“Hindi. Sa amin hindi. Eh, nagpupunta nga sila sa ibang bar. Nagpupunta sila sa Nectar. Nagpa-perform sila sa Rapture. Basta sa mga gano’n, nagpa-perform sila. Sa amin wala ‘yun, kasi kung ano ‘yung nahone namin sa kanila na talent, ipakita n’yo sa labas iyan. Ayaw namin kayo i-hawla dito sa Rampa,” dagdag pa niya.

Ang businessman, commercial director, actor, ay mas gusto ngayong mag-concentrate sa mga binubuksan niyang bar.

Habang buntis sa second baby Angeline, na-stress sa diabetes

Na-stress si Angeline Quinto sa gestational diabetes.

Buntis sa kasalukuyan si Angeline kaya naman nag-worry siya na baka maapek­tuhan nito second baby nila ni Nonrev Daquina.

“Nakausap ko ‘yung OB (obstetrician gynecologist) ko, si Dr. Shirley and ipinaliwanag niya sa akin ‘yung mga naging result ng lab (laboratory) tests na ginawa ko yesterday,” aniya sa kanyang latest vlog.

“And nakakalungkot kasi nga, meron daw akong gestational diabetes. So parang sabi ko, ‘dok, ano ‘yun?’ sabi ko, ‘sa’n ko nakuha ‘yun kasi nu’ng nanganak naman ako kay Sylvio (first baby nila ni Nonrev), wala naman po akong ganu’n,’” aniya pa.

Pagkain ang dahilan kung ba’t siya may ganitong sakit ayon sa kanyang doktor.

“Aminado naman ako na parang medyo wala akong kontrol ngayon kasi nga ang dami ko ring ginagawang work, out of town tapos dito sa Manila.”

Apektado aniya siya dahil kinakain niya talaga ang mga gusto niya na hindi sana dapat.

“Kailangan nating magbago, Diyos ko! Ang lakas ko kasi sa kanin, ano ba ‘yan?!” 

“Stressed ako,” sambit pa niya.

 Actually ordinary namang sakit ng buntis ang gestational diabetes.

Criza, dumidiskarte sa kolehiyo

Nagbabalik ang most-watched ABS-CBN Studios series sa ikalawang season sa pangu­nguna ng trending love team nina Harvey Bautista, Criza, at ng Zoomkada kung saan muling masusubukan ang kanilang pagkakaibigan ng iba’t ibang issues na hinaharap ng mga tulad nilang Gen Z.

 Sa unang season, labis na kinagiliwan ng manonood ang barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke Alford), Atom (Ralph de Leon), at Tanya (Krystl Ball) dahil sa kanilang matatag na pagkakaibigan pati sa pagtalakay ng show sa iba’t ibang tungkol sa droga, bullying, mental health, bisexuality, at marami pang iba.

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang cast sa ipinakita nitong tapang at passion para ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at sa determinasyon nila mula sa auditions hanggang sa maging parte ng serye.

 Labis ang pasasalamat ni Criza sa mga manonood na tumangkilik sa CrizVey at sa season 1 ng Zoomers.

 Malaki rin ang pasasalamat nina Harvey, Kei Kurosawa, Luis Vera Perez at Ralph sa Zoomers sa pagbibigay daan nito para mapabilang din sila sa iba’t ibang Kapamilya primetime series.

Samantala, sinabi rin ng cast na abangan ang ibang side ng kanilang mga karak­ter na mas makikilala pa nila sa bagong season. 

 Sa bagong season, makikita nating muli ang pagsasama ng grupo sa kanilang huling summer vacation bago pumasok ng kolehiyo. Kasabay ng kanilang bakasyon,  ang pagsabak ni Jiggs sa kanyang unang directing competition kung saan umasa siyang manalo para kay Hope na kasalukuyan ay dumidiskarte muli para makapasok ng kolehiyo. Samantala, parehas  magkakaroon ng problema sa pag-ibig sina Tanya at Kokoy.

 Alamin kung anu-ano ang pagsubok na kakaharapin ng grupo lalo pa at magsisimula na manggulo si Lone Wolf.

 Sa direksyon ni Kevin Alambra, abangan din ang paglabas ni Zach Castañeda.

Mapapanood ang Zoomers Season 2 mula Lunes hanggang Biyernes, 10:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with