Galaw ng presyo ng krudo nitong October 6-12
MANILA, Philippines — Magkakaroon ng magkakaibang pagbabago sa presyo ng fuel products simula Martes, October 6.
Bababa ng P1.30 kada litro ang diesel, habang tataas ng P1.93 ang gasolina at P3.30 ang kerosene.
Inanunsyo ng SEAOIL ang mga adjustment nitong Lunes, October 5, na mananatiling epektibo hanggang October 12.
Ayon sa Department of Energy, tumaas ang global prices ng petroleum products, pero na-carry over sa diesel ang rollback noong nakaraang linggo.
Samantala, mas mataas ang naging adjustments sa gasolina at kerosene kumpara sa nakaraang linggo.
Maaaring mag-iba ang aktuwal na presyo depende sa lugar at gasolinahan.
- Latest



















