Stockholding ni VP Sara nasa SALN, wala sa SEC
MANILA, Philippines — Bagamat’t nakatala sa 2024 Statement of Asset, Liabilities and Net Worth (SALN) si Vice President Sara Duterte bilang umano’y stockholder ng Gencorp. Industries Inc.
Wala naman ito sa record ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Sa naging testimonya ni Atty. Gerardo del Rosario, Director ng SEC sa Senate impeachment court na base sa listahan ng General Information Sheets (GIS) ng SEC ay hindi nakatala rito ang pangalan ni VP Sara bilang incorporator ng kumpanya.
Ang magkaibang entry ay nabuking sa pagpriprisinta ng prosekusyon ng mga ebidensya sa “unexplained wealth” o pagbago ng yaman ni VP Sara na kasalukuyang nililitis sa ilalim ng Articles of Impeachment sa Senate Impeachment Court.
Base sa SALN ni VP Sara noong Disyembre 31, 2024 ay nakatala ang Gencorp bilang isa sa mga negosyo nito at koneksiyong pinansiyal bilang stockholder kung saan na-acquire ito noong 2013.
Idinagdag pa rito na ang kumpaya ay ang dating Timesquare Bee Foods Corporation at Great Jolly Times Food.
Noong Lunes sa direct examination ni prosecution Erwin Matib, sinabi ni Del Rosario na ang Gencorp ay may kabuuang sales na P1,042,746,818 at kabuuang net income ng kumpanya na nasa P8,039,201 mula 2021 hanggang 2024 at sa lahat ng ito ay wala naman aniyang idineklarang dividends o tubo.
- Latest















