Magre-relax muna si Eala

MANILA, Philippines — Pahinga.
Ito ang bukod-tanging nasa isip ni Alex Eala matapos ang pukpukang season sa WTA Tour.
Tinapos ni Eala ang kampanya nito sa 2026 season tangan ang runner-up trophy sa katatapos na Hong Kong Open na ginanap sa Victoria Park Tennis Stadium.
Natalo si Eala kay American Claire Liu sa finals sa pamamagitan ng 3-6, 0-6 desisyon para magkasya lamang sa runner-up.
“I mean, wrapping up this year, you guys do not know how much meaning you add on top of what I do and how much of a pleasure it is to go about my life sharing these moments with you all. So I’m forever grateful,” ani Eala.
Ngunit pinakamalaking tagumpay nito ang pagsampa sa bagong career-high No. 15 sa WTA rankings.
“It’s insane. Like, I didn’t, I don’t know, I did not know that was in the cards for me. To end the year at No. 15. It’s crazy,” ani Eala.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Eala sa taong ito dahil kaliwa’t kanang torneo ang nilahukan nito sa WTA Tour kasama pa ang 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.
Dumalo pa si Eala sa dalawang fashion week — New York Fashion Week at Paris Fashion Week.
“I think there are, there are much more than 15 people in this room, you know, so, you know, it’s like this whole season and just to top it off with ending the year in 15. It’s like dreams are only dreams until they’re not, right. So that’s how I feel,” ani Eala.
Kaya naman wala itong ibang nasa isip kundi ang makapagpahinga kasama ang kanyang pamilya.
“I’m going to spend time with my family. Yeah, just lay low, disappear for a little bit. And then yeah, those are my plans. Just to disappear,” ani Eala.
- Latest






















