Testigo ni VP Sara sa GenCorp, absent sa trial

MANILA, Philippines — Hindi makakadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 9, ang corporate counsel ng Gencorp Industries Inc. at Metro City Chow Foods Corp. na si Suzette Balucanag-Punay.
Kinumpirma ito ng defense team nitong Linggo, Nobyembre 8, dahil mayroon umanong dati nang nakaiskedyul na MRI si Balucanag-Punay.
Ayon kay Michael Poa, tagapagsalita ng defense team, nakapaghain na sila ng kaukulang manifestation sa impeachment court upang ipaalam ang pagliban nito.
Binigyang-diin din ni Poa na sa pagdinig lamang sa Lunes limitado ang hindi pagdalo ni Balucanag-Punay.
Ang Senate impeachment court ay muling magko-convene sa ganap na alas-10:00 ng umaga para ituloy muli ang paglilitis kay VP Sara matapos ang ilang linggong sine die break ng Kongreso at gayundin sa paggunita sa Undas.
Ang inaasahang tetestigo ay sina Engineer Jaime Dalin ng Davao City assessor, Island Garden City of Samal Assessor Engineer John Kenneth Enumerables at Cindy Colina, Brgy. Captain ng Matina Crossing Davao City.
Magugunita na una nang umatras sa pagtestigo si dating Law Dean Ralph Sarmiento para sa panig ng defense team ni VP Sara kung saan ay ito sana ang unang testigo.
- Latest















