Lolo, dedo sa SUV ng Bulacan ex-mayor

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider na isang senior citizen ang nasawi matapos masagasaan ng isang Toyota Fortuner na minamaneho ng isang dating alkalde sa Bulacan,naganap nitong Sabado sa Esguerra Street, Barangay Peñabatan Pulilan, Bulacan.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si alyas “Jeffrey” habang ang nakabangga sa kanya ay ang dating alkalde ng nasabing bayan na si Ma. Rosario “Maritz” Montejo.
Ayon sa imbestigasyon, bumangga umano ang motorsiklong minamaneho ng biktima sa likurang bahagi ng isa pang motorsiklo na minamaneho ng isang Miguel.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa kalsada si Jeffrey at dito na umano siya nasagasaan ng paparating na Toyota Prado na minamaneho naman ni dating Mayor Montejo.
Boluntaryong nangako ang dating opisyal na sasagutin ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing ng nasabing senior citizen, pati na rin ang pagtustos sa pag-aaral ng apo na nakaligtas sa insidente.
- Latest















