^

Probinsiya

Cavite, nanguna sa rami ng nakumpiskang droga

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Cavite, nanguna sa rami ng nakumpiskang droga
Stock image of methamphetamine
Pixabay / File

Sa buong Calabarzon

CAVITE, Philippines — Nanguna ang Ca­vite Police sa buong Calabarzon region sa rami ng mga nakum­piskang droga sa loob lamang ng isang linggong anti-drug operation.

Sa ulat ng pulisya, umabot sa 703.77 gramo ng ilegal na droga ang nasamsam sa Cavite sa sunud-sunod na operasyon nito.

Ayon sa Police Regional Office 4A, 225 drug operations ang naisagawa sa loob lamang ng isang linggo sa buong Calabarzon at may 274 indibidwal ang naaresto.

Sa pamumuno ni PB Gen. Dominic L. Baccay, nasamsam sa mga isinagawang operasyon ang may 993.5 gramong shabu, 29.51 gramo ng marijuana at 10 kilo ng marijuana Kush.

Sa kabuuan, aabot ang nakumpiskang droga sa P6,774,764.

Pumangalawa ang Laguna PPO sa rami ng mga nakumpiskang droga na umabot sa 157.01 gramo, sinundan ng Rizal PPO, 51.49 gramo; Batangas PPO, 41.54 gramo, at Quezon PPO, 39.69 gramo.

Isinagawa ang operasyon simula Oktubre 19 hanggang Oktubre 25, 2026.

DRUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with