^

Metro

Paggamit ng camera sa Intramuros ‘di na kailangan ng permit - DOT

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng camera sa Intramuros ‘di na kailangan ng permit - DOT
Ayon sa DOT, layunin sa pagtutulungan ng Intramuros Adminis­tration at CameraHaus na gawing mas accessible ang heritage photography at hikaya­tin ang mga photographer, camera enthusiast at hobbyist na maikwento at ikalat sa pamamagitan ng lente ang makasaysayang Intramuros walled city.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng permit sa paggamit ng professional camera­ para sa personal at souvenir photography sa loob ng Intramuros, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, layunin sa pagtutulungan ng Intramuros Adminis­tration at CameraHaus na gawing mas accessible ang heritage photography at hikaya­tin ang mga photographer, camera enthusiast at hobbyist na maikwento at ikalat sa pamamagitan ng lente ang makasaysayang Intramuros walled city.

Gayunpaman, kaila­ngan pa rin ng permit para sa mga commercial shoot o produksyon na may special equipment setup.

Pinaalalahanan din ang mga bibisita na sumunod pa rin sa mga patakaran sa lugar, kabilang ang bawal na paggamit ng flash sa ilang bahagi para maprotektahan ang mga makasaysayang istraktura at museum collections.

Inilunsad ang bagong patakaran kasabay ng kauna-unahang “Intramuros Reframed” Street Summit katuwang ang CameraHaus, na dinaluhan ng mahigit 300 visual artists at content creators sa isang community photowalk sa Intramuros.

DOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with