^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hakbang sa nanlalait sa mga may kapansanan

Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN, naghain ng complaint-referral sa National Bureau of Investigation (NBI) ang 1PWD party-list laban sa mga host at producer ng Machong Chismisan matapos ang mga sensitibong pahayag tungkol kay Joshua Aquino, na nasa autism spectrum.

Hiniling ng grupo sa NBI na imbestigahan kung may nilabag na batas laban sa public ridicule at vilification ng persons with disabilities (PWDs).

Samantala, humingi na ng paumanhin ang mga host ng Machong Chismisan at tinapos din ng Pod Network ang kontrata nito sa naturang podcast.

Agad na inalis ang programa sa lineup nito matapos ang matinding backlash. Maraming netizens ang nag-react sa ginawang panlalait ng limang host ng podcast. Hindi raw katanggap-tanggap ang ginawa ng mga host kay Joshua. Dapat daw sampahan ng kaso ang mga ito. Hindi raw sapat ang paghingi ng paumanhin lalo’t may batas ukol dito.

Mahalaga ang mga hakbang na ito.

Pero hindi dapat dito nagtatapos ang usapin.

Kapag nakalabas na ang isang video o podcast episode, mahirap nang bawiin ang epekto nito.

Maaaring burahin ang original upload, pero puwede na itong ma-save, ma-repost at patuloy na kumalat.

Sa kasong ito, kumalat na online ang clips kahit tinanggal na ang episode.

Kaya hindi lamang hosts ang may responsi­bilidad sa content.

May papel din ang producers at networks na nagbibigay ng platform at nagpapahintulot na mailabas ang isang programa.

Kasama nga sa complaint-referral ang producers dahil sila umano ang pumayag na ma-air ang episode.

Hindi ibig sabihin nito na dapat agad hatulan ang sinuman. NBI pa lamang ang nagsisiyasat kung sapat ang ebidensiya para sa kriminal o iba pang legal na aksiyon.

Pero mas mahalagang itanong kung paano mapipigilan na maulit ang ganitong insidente sa hinaharap.

Hindi dapat hintayin na mag-viral at  makatanggap ng panunuligsa mula sa netizens bago suriin kung may content na nakasasakit o nang­hahamak sa PWDs. Dapat may malinaw na edi­torial standards bago pa ito mailabas.

Ang tunay na accountability ay hindi nagsisimula pagkatapos mag-viral ang mali. Dapat nagsisimula ito bago pa pindutin ang publish button.

Ganito sana ang gawin para hindi na maulit ang nangyari. Huwag hayaang maiukit ang panlalait sa mga may kapansanan bago pa gumawa ng hakbang.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with