^

PM Sports

Pirates inilusot ni Villegas kontra Stags

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinalpak si Renz Villegas ang panelyong jumper para itakas ang Lyceum of the Philippines kontra sa San Sebastian College-Recoletos, 78-77, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Limang segundo na lang at iuuwi na ng Stags ang panalo dahil lamang sila ng isang puntos, 77-76.

Ngunit buo ang loob ni Villegas na itinarak ang baseline jumper sa natitirang 1.1 segundo para ipa­­nalo ang Pirates.

Tumapos si Villegas na may 17 points, apat na assists at dalawang rebounds para tulungan ang Lyceum na ilista ang 3-5 record sa Group A.

“Credit sa coaches do­on sa play. Parang nagbreakdown lang ‘yung de­fense. Hindi para sa akin ‘yung play,” ani Ville­gas. “Buti na-recognize ng teammates ko, wala ng oras eh.”

May tsansa pa sanang ma­bingwit ng Stags ang panalo subalit nagmintis si Niel Castor sa kanyang huling tangka at nahulog sa 0-8 marka ang koponan.

Sa unang laro, ti­na­ka­san ng Mapua Cardinals ang Per­petual Altas sa overtime, 65-60.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with