John, ‘di malimutan ang ginawa nila noon ni Osang

Hindi malilimutan ni John Arcilla ang 1997 film na Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin na naglunsad sa kanya bilang leading man mula sa pagiging theater actor.
Sa panayam ni Susan Enriquez sa award-winning actor sa Kay Susan Tayo Vlogs, nakilala sa TV commercial ng kape si John kunsaan sinabi niya ang pamosong linyang “Coffee Na Lang Dear,” napanood daw siya ni Armida Siguion-Reyna bilang si Jose Rizal sa isang theater production.
Planong i-launch ni Tita Midz si Rosanna Roces bilang ganap na aktres mula sa pagiging sexy star. Pinili niya si John bilang leading man nito.
“Sabi daw ni Tita Midz, ‘Ano kayang sasabihin ng tao kapag nakita nila si Jose Rizal na nakapatong kay Rosanna Roces?’” natatawang alala ni John.
Aminado siyang kinabahan sa love scene at napatanong ng “Ano ba ‘tong ginagawa ko?” habang nilalagyan sila ng plaster sa maselang parte ng katawan.
Pero nabigyan siya ng lakas ng loob nang sabihin ni Osang na nanginig din siya noong una. Doon niya naramdaman na very supportive si Osang sa kanya.
Kilala ang Reyna Films sa critically-acclaimed projects kaya pumayag si John na gawin ang pelikula with Osang. Napanood daw niya ang mga pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Saan Ka Man Naroroon, Kung Mawawala Ka Pa, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, Kahapon Dalawang Bata, Tatlo Magkasalo at Abot-Kamay Ang Pangarap.
Breaking bad actor, tinapos ang buhay
Pumanaw sa edad na 34 ang Hollywood actor na si RJ Mitte na kilala sa hit US drama series na Breaking Bad.
Ayon sa ulat ng TMZ, namatay umano ang aktor dahil sa suicide.
Kinumpirma ng isang county official sa TMZ na pumanaw si RJ noong Oct. 12 sa Brownsville, Texas.
“It is with profound sadness that we share the tragic passing of beloved actor, philanthropist, and passionate disability rights advocate RJ Mitte,” pahayag ng kanyang pamilya.
Nakilala si RJ bilang si Walter White Jr., anak ni Walter White (played by Bryan Cranston) sa Breaking Bad for five seasons.
Bukod sa Breaking Bad, lumabas din si RJ sa shows na Hannah Montana, Vegas, Switched at Birth, Chance, Now Apocalypse and The Guardians of Justice.
Si RJ, na na-diagnose na may cerebral palsy sa murang edad, ay aktibo rin bilang disability rights advocate, ambassador ng United Cerebral Palsy at Shriners Children’s at presidente ng Mitte Foundation.
- Latest
























