^

Pang Movies

AZ, ‘di plinano na maging Beauty Queen!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
AZ, ‘di plinano na maging Beauty Queen!
AZ

Sa kabila ng tagumpay ni AZ Martinez sa pageants, hindi raw talaga niya plinano ang maging beauty queen.

Ang pangarap niya noon ay maging aktres. “When I finished my first pageant, in-invite ako to watch Miss Universe Philippines, ‘yung time ni Michelle Dee. And then I met a few people there and I’ve been wanting to be a part — I wanted to do acting. I’ve been telling them na gusto ko talagang mag-acting compared to pageant,” kwento ni AZ.

Nilinaw niya na hindi niya ginamit ang pageantry para makapasok sa showbiz. Sumali lang umano siya dahil sa boredom noong pandemic.

 Nagmo-model na siya sa Cebu noon nang maalok na sumali at sinuportahan siya ng ina. Naisip pa niyang umatras dahil sa laki ng gastos sa styling at makeup.

“‘Yung pageant na sinalihan namin, I wanted to back out kasi napansin ko na ang dami palang gastos... parang ayoko naman gumastos for something out of boredom.”

Pero dahil may P50,000 fee para mag-back out, napilitan siyang ituloy na lang ang pageant.

Piolo at Dingdong, may pinaghahandaan!

Seryoso si Piolo Pascual sa tungkulin bilang Public Affairs director ng Aktor PH.

Sa paglagda ng MOA o Memorandum of Agreement sa pagitan ng Bench/Active at Aktor PH para sa 2026 Hybrid Games sa susunod na buwan, sinabi ni Piolo na higit pa sa fitness competition ang one-day event.

“Ang Aktor PH ay hindi lang community ng actors. Nandito kami para tulungan ang isa’t isa sa welfare at inclusivity. Gusto namin may matatawag silang tahanan, na hindi sila nag-iisa. Gusto naming ma-empower sila,” ani Piolo.

Tagumpay na ang event dahil 1,200 na ang nagpalista. Matagal na umanong pinaplano ang collaboration na ito.

Ayon kay Piolo, matagal na rin niyang pangarap makabalik sa Bench Body campaign. “Last year, personal kong nilapitan si Mr. Ben Chan. Sabi ko, hindi na tayo bumabata. Bakit hindi kami ni Dingdong (Dantes) ang gumawa ng Bench Active campaign pagkatapos ng Hybrid Games? Ito na ang simula!”

Gaganapin ang event sa Nov. 8 sa SPACE at One Ayala, Makati City. May walong stations: 400-meter run, wall balls, sandbag lunges, farmer’s carry, rowers, burpees, broad jump, sled pull at sled push.

AZ MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with