^

PSN Opinyon

Farming is a way of life…Hapag Community Garden

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isa pang grupo na nagsusulong ng organic farming sa bansa at tulong-tulong sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas sa kanilang lugar sa isang village sa Valenzuela.

Ang aking tinutukoy ay ang Integrated Hapag Community Garden na ang kanilang pangulo ay si Leah Guevarra na makikita sa Disiplina Village, Barangay Bignay Valenzuela City.

Ayon kay Leah, itinatag nila ang kanilang samahan para sa iisang layunin na makatulong na mag-provide ng masarap at masustansiyang pagkain sa kanilang Village.

Nais din ng grupo ni Leah na makatulong na isinusulong na food security ng Valenzuela City.

Bukod sa mga tanim sa kanilang Hapag Community Garden ay may kanya-kanya rign tanim sa kani-kanilang bahay ang grupo ni Leah para makatipid sa gastusin at masustansiya ang pagsasaluhan ng kanilang pamilya.

“Farming is not just a job, it’s a way of life,” ani Leah

Nasa 1,500 Square meter  na bakanteng lote sa loob ng village ang pinagtutulong-tulungan na bungkalin at taniman ng grupo ni Leah.

Katabi ng public market sa Disiplina Village ang garden ng Hapag Community.

Ilan sa maramihang tanim ng grupo ni Leah ay Chinese kangkong, patola, papaya, malunggay, gabi, saging, luya, talong, okra, kalabasa, kamoteng kahoy at iba pang gulay at prutas.

Kung dati ay halos sapat lang ang kanilang kinikita para makabili ng bigas at iba pang pa-ngangailangan ng kanilang pamilya, ngayon ay nakakapagpaaral pa ng kanilang mga anak at nakakapag-ipon pa.

Malugod na nagpapasalamat si Leah sa mga taong tumutulong sa kanila sa pangunguna ng Local Government ng Valenzuela City, sa pa-ngunguna ni Mayor Weslie Gatchalian, Municipal Agriculturist na si Dr. Basil Sison at Delmar Amaro na personal at palagiang bumibisita sa kanila para alamin ang kanilang pangangailangan.

Hinihikayat ni Leah ang lahat na magtanim ng sariling pagkain.

Sa mga gustong bumili ng iba’t ibang gulay na produce ng grupo ni Leah ay magsadya lamang po kayo sa kanilang Hapag Community Garden na katabi ng palengke sa Disiplana Village, Bignay Valenzuela City.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with