^

PSN Opinyon

Ang timbangan ng katotohanan

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Kapag si Senador Ping Lacson ang nagsasalita tungkol sa katiwalian, nakikinig ang publiko. Matagal na niyang binuo ang imahe ng isang matapang na imbestigador na walang sinasanto at laging humihingi ng ebidensya bago maniwala sa anumang alegasyon.

Kamakailan, muling naging sentro ng usapan nang ilahad niya ang ginagawang inspeksyon ng Office of the Ombuds­man, Philippine Reclamation Authority, Land Registration Authority at DPWH sa umano’y ilegal na reclamation sa Taguig. Ngunit sa batas, ang inspeksyon ay hindi pa kati­bayan ng pagkakasala. Ibig sabihin lamang nito, may bagay na sinusuri.

Mahalaga ring tandaan ang tugon ng Taguig: hindi umano sa lungsod ang lupang nasa video, wala silang inilabas na permit, at hindi sila sangkot sa aktibidad. Kung mali ito, dapat may dokumentong magpapatunay. Kung tama, dapat ding maging maingat sa pagbibintang.

Sa puntong ito, hindi korapsyon ang ipinagtatanggol. Ang ipinaglalaban ay ang pagkakaiba ng akusasyon at ebi­densya. Sa isang demokratikong lipunan, hindi dapat mapalitan ng impresyon ang katotohanan.

Ito rin ang prinsipyong minsang nagprotekta kay Lacson nang harapin niya ang iba’t ibang kontrobersiya sa kanyang karera. Sa huli, umiral ang due process at nanaig ang prinsipyo na walang dapat husgahan hangga’t hindi napatutunayan ang paratang.

Kung may pagkakamali ang Taguig, patunayan ito. Kung may lumabag sa batas, iharap ang kumpletong ebidensya. Ngunit kung ang laban ay para sa katotohanan, dapat iisang timbangan lang ang gamitin sa lahat.

Sa laban kontra korapsyon, walang dapat maging exempted sa pagsusuri, at wala ring dapat mahatulan sa pamamagitan lamang ng paratang.

PING LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with