^

Metro

Abusadong motorista, binalaan sa Metro Manila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang sinimulan kahapon, Oktubre 5, ang pagpapatupad ng enhanced No Contact Apprehension Policy (NCAP 2.0) sa Lungsod ng Maynila.

Kasabay nito, nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga abusadong motorista, kabilang ang mga kawani ng pamahalaan, na tiyaking sumusunod sa batas trapiko.

Sa kanyang talumpati sa regular na flag-raising ceremony, sinabi ng alkalde na hindi na maaaring magkaroon ng dahilan ang mga lalabag sa mga batas trapiko dahil sa paggamit ng teknolohiya sa pagpapatupad ng NCAP 2.0.

Ayon kay Domagoso, unang ipinatupad ang NCAP noong kanyang unang termino bilang mayor, kung saan daan-daang libong motorista ang nahuli dahil sa mga paglabag sa batas trapiko.

Binigyang-diin din niya na walang pinipili ang programa at saklaw nito ang lahat ng motorista, anuman ang kanilang katayuan sa lipunan o posisyon sa pamahalaan.

ISKO MORENO

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with