Loose firearms ang pinagkatutukan ni PRO6 DIR. Tua?o
ANG pagtutok ng Police Regional Office 6 (PRO-6) sa mga Loose Firearms at mga Wanted Persons ang pangunahing dahilan kung bakit bumaba sa 11.68 percent ang Crime Rate ng Panay Island o Western Visayas Region. Ito ang lumalabas ngayon sa survey ng PNP Headquarters at maging mismo sa mga Ilonggo na mga residente ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras kung kaya’t patuloy na yumayabong ang Tourism Industry at maging sa mga negosyo dahil nga sa maayos na seguridad na ipinamamalas ng mga kapulisan sa pangunguna ni PRO6 Dir. P/BGen. Randulf Tuaño.
Sa totoo lang ngayon lamang nabigyan ng masigasig na paghahabol sa mga loose firearms at mga wanted persons itong lalawigan ng Panay Island. Marami ng mga naging hepe subalit ngayon lamang sa liderato ni Tuaño nabigyan ng walang humpay na kampanya at makakumpiska ng daan-daang baril at mga bala ang kapulisan. Sa datos kasi mga suki, sa 121 kasong naitala sa PRO6 ng September aba’y, mas mababa ito kumpara sa 137 sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Kaya kumbinsido itong aking mga kababayang Ilonggo na malaki ang naibaba ng mga krimen. Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay itong programa ni PRO6 Dir. Tuaño kung hindi sinuportahan ng mga Local Government Units at maging ng mga residente ng Western Visayas Region. Get nyo mga suki! Kasi nga mas mapapadali ang paglambat at paghalughog sa mga Wanted Persons at Loose Firearms kung mismong mga residente ang magtuturo sa mga ito. Hehehe!
Ang kagandahan dito, walang napahamak na tao itong si Tuaño dahil sa pagtatago sa mga impormasyon o pagkakilanlan ng mga nagsusumbong. At matindi pa nito, hindi lang nakatutok itong si Tuaño sa mga loose firearms at wanted persons kundi maging mga salot na nagpapakalat ng droga sa Western Visayas region. Hindi kaila sa mga Ilonggo ang mga buy-bust operation at search warrant sa mga pinaghihinalaang pugad ng mga adik. Kasi nga kung may 2,755 na ikinasang operasyon sa loose firearms noong Setyembre na nagresulta sa 33 indibidwal na nakasamsam ng 38 baril abay, may 3,282 baril naman ang kusang isinuko o pinagkatiwala sa awtoridad, habang 25 ang naideposito sa kapulisan para sa kaukulang disposisyon. At may mga isinagawa pa palang 22 house visitation itong mga kapulisan ni BGen. Tuaño bilang bahagi ng pagtukoy at pag-account sa mga baril, kabilang na rin dyan ang paghikayat sa mga Responsible Gun Owner na sundin ang pinaiiral na regulasyon o panawagan ni SILG Jonvic Remulla.
Patungkol naman sa droga abay, may 122 operation ang PRO6 noong Setyembre na nagresulta sa 159 indibidwal at nakakumpiska ng P42.43 M droga. Sa tingin ko hindi pa titigil itong si Tuaño at mga tauhan sa pagsasagawa ng mga operasyon. Abangan!
- Latest


















