7 container vans ng iba’t ibang kalakal winasak ng BOC

MANILA, Philippines — Winasak ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM), sa pamamagitan ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), ang nasa pitong containers na may lamang iba’t ibang kinumpiskang mga goods na nagkakahalaga ng P1.650 milyon sa Biñan, Laguna.
Ayon sa BOC, ang 10-araw na condemnation activity ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng POM na tiyakin ang maayos, ayon sa batas, at accountable na disposisyon ng mga produktong kinumpiska ng pamahalaan.
Kabilang sa mga kinumpiskang goods na winasak ay grocery products, mga sirang LED lighting fixtures, furniture, medical supplies, mattresses, toothbrushes, at iba’t ibang household goods at personal effects.
“The shipments were covered by Warrants of Seizure and Detention (WSDs) issued in various years and were subsequently ordered for condemnation under Order of Condemnation No. 01-2026,” anang BOC.
Kinumpiska ang mga ito ng pamahalaan dahil sa paglabag sa Section 1400, na may kaugnayan sa Section 1113, ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin ng Republic Act No. 8293, o ang Intellectual Property Code of the Philippines.
Ang condemnation proceedings sa mga ito ay isinagawa alinsunod sa established rules at procedures upang matiyak ang proper disposal ng mga forfeited goods at maiwasan ang hindi awtorisadong pagpasok ng mga ito sa merkado.
- Latest




















