^

Police Metro

Mag-utol na senior, kinatay ng pamangkin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak at pinagtataga ng isang 32-anyos na lalaki ang kanyang tiyahin at tiyuhin na mag-utol at kapwa senior citizen dahil sa galit nang siya ay  pinagbintangan na magnanakaw naganap sa loob ng bahay ng magkapatid sa  Brgy. Paruddun Norte, Aparri, Cagayan noong Lunes.

Ang magkapatid na biktima ay isang 85-anyos na babae at kapatid nitong 75-anyos na lalaki.

Batay sa ulat ni P/Major Vilmore Malillin, hepe ng Aparri Municipal Police Station (MPS), naitala ang krimen sa tahanan ng magkapatid na biktima, alas-4:00 ng hapon.

Lumalabas na pinasok ng suspek na armado ng itak ang bahay ng magkapatid at walang sabi-sabi na sinaksak una ang matandang babae na duguang humandusay.

Pagkatapos ay pinasok nito ang silid ng matandang lalaki na pinagtataga naman nito.

Nasaksihan ng isang menor-de-edad ang krimen na agad tumakbo at ­humingi ng tulong sa barangay.

Tumawag naman ang barangay ng pulisya na sa pagresponde sa crime scene ay kusang sumuko ang suspek.

Inamin ng suspect ang krimen na nasa impluwensya siya ng alak at sinabing nagawa lamang niyang paslangin ang mga biktima dahilan sa matin­ding sama ng loob dahilan pinagbibintangan umano siyang magnanakaw. Ang suspek ay kinasuhan ng double murder.

MPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with