SIBOL team may pahabol na tanso sa Team Philippines

MANILA, Philippines — Isa pang tansong medalya ang ibinigay ng SIBOL team sa esports competition ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Inangkin ng SIBOL squad ang bronze medal sa Honor of Kings event makaraan ang pagyukod sa defending gold medalist China sa semifinals kahapon sa Aichi Sky Expo Hall D.
Ang tropa ay binubuo nina Dragon Hart Dajao, Juschie Tan, Chammy Nazarrea, Jhon Mike Tungol, Golden Hart Dajao at Charles Esguerra.
Nakuntento rin ang SIBOL squad sa bronze medal matapos ang 0-2 kabiguan sa Indonesia sa semifinals ng Pok?on UNITE.
Nakapag-ambag ang SIBOL ng dalawang tansong medalya sa kampanya ng Team Philippine sa Aichi-Nagoya Asiad.
Nauna nang winalis ng mga Pinoy esports players ang South Korea, 2-0, sa quarterfinals ng Honor of Kings event noong Linggo.
Sa pool play ay dinomina rin ng SIBOL team ang Kazakhstan bago matakasan ang Malaysia para kunin ang second seed sa Pool B na nagtakda sa kanilang quarterfinal clash ng South Korea.
Samantala, lalabanan ng China, kumuha sa inaugural Honor of Kings Asian Games gold sa Hangzhou, ang Malaysia sa finals sa hangaring maipagtanggol ang kanilang korona.
- Latest





















