^

PSN Opinyon

Pagpasok sa PLM parang butas ng karayom

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Kahit noon pa man, pahirapan at daraan sa butas ng karayom ang pagpasok sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kailangang makapasa sa entrance exam at mataas ang average sa high school. Mahigpit ang PLM sa mga estudyante na nais na mag-aral at mas naging mahigpit pa ngayon at naging competitive lalo pa’t nagta-top na rin ito sa mga licensure exam.

Para sa school year 20226-2027, nasa 70,000 ­estudyante ang naghangad na makapasok sa PLM subalit nasa 3,000 lamang ang pinalad. Wala pang 5 porsiyento ang magkokolehiyo sa PLM.

Bukod sa sinala ang mga aplikante, sinabi ni PLM President Atty. Domingo Y. Reyes Jr., limitado rin ang espasyo at pasilidad ng unibersidad.

Kung sabagay, sa suporta ng LGU sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, marami talaga ang maghahangad na makapag-aral sa PLM. May allowance ang bawat estudyante. Ngunit maaari ring mawala at matanggal ang estudyante kung hindi niya maaabot ang sapat na grado.

Marahil ay panahon na upang mas dagdagan pa ng PLM ang kanilang slot sa mga nagnanais na makapag-aral dahil iba ang antas ng edukasyon dito. ‘Pag sinabing PLM graduate, matalino. Sumasabay talaga sa iba pang kilalang unibersidad.

Sa ngayon, nakikitang solusyon ng PLM ang planong pagtatayo ng bagong Health Sciences Building na inaasahang makapagbibigay ng karagdagang espasyo para sa mga estudyante.

Hangad pa rin ng PLM na matulungan at maging ­kaagapay ng mga estudyante na makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang kanilang  pangarap.

Sakaling maisakatuparan ito, mas marami pang kabataan ang mabibigyan ng pagkakataong makapasok sa mga susunod na taon.

Sa ngayon, malinaw ang hamon: marami ang gustong makapag-aral sa PLM, pero hindi pa kayang tanggapin ng unibersidad ang lahat.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with